To my little me..
Hindi madaling maging Estudyante Ika nga nila, naniniwala ako rito at alam ko ring totoo ito. Ako mismo sa aking sarili ay ay sumasang ayon sa tinurang ito.Sino nga bang hindi ngunit sa bawat pag tanaw ko sa hinaharap nais kong makita ang aking sariling umasenso na at patuloy pang umaasenso na syang bumabalik sa aking bawat paghihirap ngayon palamang mag-aaral ako. Gusto kong makaharap at makausap sa sariling salamin ang ako kahapon, ako ngayon at ako bukas. Nais kong matutong bumalik sa bawat yapak at sakripisyong aking inilaan para makatungtong sa kakaratnan kong situwasyon. Kung maari ang nais kong makitang hinaharap ay ako ay isang masipag at tapat na manlilingkod sa bayan sa larangan ng Medisina, nais kong i-explore ang nursing at kapag napagpasyahan ko nang umangat pa at kunin ang pag dodoktor sa field na Pediatrician.
Sa kahit ano pa mang daymenyon mapa kahapon, hinaharap at kinabukasan pa man 'yan alam ko na ako'y magtatagumpay dahil naniniwala ako sa sarili kong kakayahan at determinasyon. At hindi lamang ang aking mga malalapit na pamilya/kamag-anak ang nakaalalay saking sapagkat pati ang aking sarili..ako dapat ay mayroong paninindigan sa aking mga gagawin.
Bilang isang mag-aaral napaka importanteng seryosohin ang bawat yapak at hakbang daan patungo sa kinahaharap.Mahalagang matutong makinig sa bawat pangaral at aral na ibinabahagi 'di lamang ng guro pati na rin bawat isa. Ako bilang isang magiting, responsableng mag aaral ay nangangako sa'aking sarili na sa oras na ito, na dahil kaya ko nang timbangin ang mga nangyayari ay nararapat ko lamang pagisipang mabuti ang aking mga deisiyon lalo na sa larangan ng aking hinaharap. Kaya habang ako'y mag-aaral pa lamang ay nararapat lamang na hasain ko na ang aking sariling maging disiplinado.

No comments:
Post a Comment