Jan 30, 2025

SURING BASA -- "HELL UNIVERSITY"

 





PANIMULA 

A. Pamagat 

 Ang “Hell University” sa unang pagbasa o kahit pagdinig manlang mapapaisip ka agad kung bakit ganito ka bulgar ang pamagat nito Ito ba’y isang uri ng librong katatakutan? Sa una mong pagbabasa sa pamagat palamang ay mapapatanong ka na kung ito ba ay ang totoong pangalan ng paaralan? o sadyang binansagan lang ito dahil sa sistema ng paaralan?

Ang setting ng Hell University bilang isang "imposibleng" paaralan ay nagbibigay-daan sa mga mambabasa na makaranas ng isang mundo kung saan ang lahat ay hindi pangkaraniwan. Ang ideya ng isang paaralan na puno ng lihim at panganib ay nagdaragdag ng tensyon at intriga

        Base sa una kong pag basa nito ay isa sa mga naging ekspektasyon ay marahil mayroon itong ganitong tema. Ngunit sa bawat paglalim sa mga hukay ng mga kabanata unti unti kong naipagtatagpitagpi kung bakit ganito ang naging pamagat nito.

B. Uri ng Panitikan at Genre

Ang aklat o babasahing Hell University ay isang akdang pampanitikan na isinulat ni Knightinblack, na nakapaloob sa genre ng misteryo at thriller. Ang kwento ay naglalarawan ng isang tagong paaralan kung saan ang mga estudyante ay nahaharap sa mga mapanganib na sitwasyon, kabilang ang legal na pagpatay, na nagiging sentro ng kwento.

Misteryoso sa paraan ng kuwento ay puno ng mga sikreto at hindi inaasahang pangyayari, kung saan ang mga estudyante ay patuloy na nag-iimbestiga sa mga nangyayari sa kanilang paligid.Ito ay naglalaman ng mga elemento ng tensyon at panganib, na nagdadala ng matinding emosyon sa sino mang mag tatangkang magbasa ng akdang ito ni Kib.

Sa kabuuan, ang Hell University ay isang natatanging akdang pampanitikan na nag-aalok ng masalimuot na kwento na puno ng aksyon at misteryo, na tiyak na umaakit sa mga mambabasa na mahilig sa ganitong uri ng genre.


C. Pagkilala sa May-akda 

Knightinblack, mas kilala sa pangalang KIB, siya ay isang Pilipino published author and online writer Sa Wattpad, born 1998. Ang kanyang unang naisulat at nailimbag ay Hell University sa edad na 17. Mula noon hanggang ngayon ay mayroon na siyang 8 published books at dalawang self-published books

      Kib is a man who usually hides behind a mask, not because he wants to be mysterious but because it is his only way to somehow disassociate his writing world from his personal life.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN 

A. TEMA / PAKSA

Isang tagong paaralan na hindi saklaw ng gobyerno.
Kung saan legal ang pagpatay.
Maraming sikreto ang nakakubli.

Palaging may mali sa bawat kwento.

"ONCE YOU ENTER, THERE'S NO TURNING BACK”
Never let your curiosity drive your own body.
Welcome to Hell University.

B. MGA TAUHAN, TAGPUAN AT PANAHON 

Mga Tauhan 


a.ZEIN SHION- Siya ay isang estudyante kung saan ay nakahanap sila ng mga kaibigan niya ng eskwelahan na may maayos raw benipisyo kaya lang hindi nila lubos na alam kung ano ang pinasok nilang gulo sila ay aksidenteng pumasok sa Hell University, isang paaralan na puno ng mga misteryo at panganib. Sa kanyang pagpasok, kailangan niyang makisangkot sa mga kakaibang kaganapan at subukan ang kanyang lakas ng loob upang makaligtas.Siya ay isang babaeng may matapang na personalidad. Siya at ang kanyang mga kaibigan ay nag lakbay papunta sa Hell University kahit pa nananatiling clueless sa nasabing unibersidad na hindi saklaw ng Gobyerno at legal ang pagpatay. 



b.ACE CRAIGE - Isang lalaking binata na may mataas na ranggo sa Unibersidad na kanilang kinaroroonan. Siya ang tagapangalaga at nagdidikta sa mga nararapat na gawin. Siya ay may malalim na pag-unawa sa mga panganib na dulot ng mga sikreto ng unibersidad. Alam niya na ang pagpasok sa mga lihim na ito ay maaaring magdala ng kamatayan at kapahamakan, kaya't siya ay pagiging maingat at mapanuri sa kanyang mga hakbang. Sya'y kilala at lubos na kinatatakutan sa "Hell University". Ang may pinakamataas na ranggo mas mataas pa kaysa sa headmistress ng paaralan. Siya ay lubos na respitado kung saan hindi mo gugustuhing makabangga ang isang tulad nya.


c.Dr. Quizon- Isang baliw at mayamang Scientists na siyang dating namumuno sa Hell University noong may nakakapasok at may nakakalabas pa. Ngunit nang siya ay makabuo ng isang formula na nakakapag pabalik ng isang patay bigla na lamang siyang naglaho kasabay ng pagsara ng Hell University at siyang paglaho nito sa mapa.

D. Sir Alvarez -Isang Detective at Secret Agent at the same time base sa kanya matagal na niyang minamanmanan ang nasabing eskwelahan. Ngunit wala silang masagap dahil hindi ito saklaw ng gobyerno. At nagpakilala rin sya as “newbies” at nabangit niya ang tungol sa secret formula na kung saan ay nahanap na nila ngunit may nawawalang sangkap at nakatago sa isang laboratoryo. Ngunit walang sino man ang may alam kung saan ito.Ngunit ang kanyang totoong pakay ay maunahan ang iba pang nais makakuha ng formula .

E.Madam Violet - Ang kinikilalang Headmistress ng eskwelahan siya ang namamahala. Siya ang taga welcome sa bagong mga estudyanteng papasok at siya ring namamahala ng pagsunod sa mga rules ng paaralan. Isa sa mga karakter na lubos mong iinisan.Siya Ay hadlang sa bawat hakbang na makakapagligtas sa mga estudyante. Nais ring makuha ang sinasabing formula.

Tagpuan

Hell University— (PHU) 

    Hell University o Philippine High University, Isang kilalang unibersidad na tanging mayaman lang ang nakakapasok. Hanggang sa isang sakim na pinuno ang namahala sa unibersidad, si Dr. Quizon, isang baliw at mayamang scientist. Tuso at handang gawin ang lahat mapasakanya lang ang kayamanan at kapangyarihan.


Hell Jail- Isang lugar sa Hell University kung saan higit nilang kinatatakutan dahil sa mga sabi sabing pang totorture kapag may nagawa kang labag kay “supremo”. Dito dinadala ang mga estudyanteng lumabag sa school book ng paaralan.Ngunit ang katotohanan ay siya ay nakapunta sa lagusan palabas sa eskwelahan.

Secret laboratory- Sabi sabi sa ilang mga estudyanteng may alam na ilan lamang ang may alam ng secret laboratory at hinahanap ng mga gustong makakuha ng formula ang nagiisang may alam ng Laboratory.


    Panahon

Ito ang yugto kung saan asya at ang kanyang mga kaibigan ay pumasok sa isang Unibersidad bilang mga estudyante. Ang pagpasok na ito ay simbolo ng pagpasok sa isang mapanganib at misteryosong mundo, kung saan ang mga patakaran ay hindi karaniwan at ang buhay ng bawat isa ay nasa panganib.

Sa oras ng 7:00 p.m to 5:00 am Freedom Night  o Bloody Night kung saan mayroon silang freedom na gawin ang gusto nilang gawin. Sa oras ng Bloody Night ay ang oras kung saan legal ang pagpatay. Kaya naman after ng kanilang dismissal ay nararapat lamang na sila’y dumiretso sa kanyang kanya kanyang dorm dahil walang sino pa man ang dapat pagkatiwalaan sa panahon at lugar na ito.


C. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG MAY-AKDA


    Kamangha manghang makabasa ng isang librong kagaya nitong mayroong magandang estilo ng pagsusulat.  Mayroon silang mga salitang siguradong nagiiwan ng tanong sa bawat mambabasa na syang nagpapa kwestyon at nanaisin mo na alamin ng buo na siyang namnamin mo ang kuwento at talagang basahing muli ang ibang parte kung mayroon ka bang nakaligtaang mga pangyayari.

Isa sa mga tumatak sa aking isipan ay kung saan paunti unti ng lumalabas ang sikretong naka kubli sa misteryosong paaralan nila. May mga karakter na nagpakilala ng ibang  huwad na pangalan ngunit nang iyong mabunyag ay talaga namang hindi mo inaasahan na siya pala iyon. Salita ay nasa kaswal lamang at maiintindihan mo ngunit sa paglalim ng mga kabanata unti unting lumilikot ang bawat katagang kanilang pinapakawalan. Tila para ba itong isang patibong na hindi mo nanaising magtiwala sa kahit sino dahil paiba iba sila ng mga kuwento.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN


A. KAKINTALAN / KAISIPAN 

Ang Hell University ay tunay nga namang nakaka entertain, nakakatawa at kapupulutan ng  mga aral. ng may-akda. Hell University ay hindi lamang isang kwento tungkol sa isang paaralan; ito ay isang masalimuot na paglalakbay kung saan ang mga tauhan ay nahaharap sa kanilang sariling mga salamin, sariling demonyo habang sinusubukan nilang tuklasan ang mga tagong lihim at makaligtas sa isang pinasok na eskwelahan kung saan umiikot ang kanilang mundo.

      Kahit pa man puno ito ng mga hindi kaaya ayang pangyayari katulad ng patayan lubos pa rin itong kapupulutan ng aral. Ssa bawat pahina ay ang kanilang mga iniwang mensahe ay tatatak sa iyo tulad ng “ Don’t let your curiosity kills you Zein” na kung saan sumasalamin sa maaaring mangyari sa iyo kung sa totoong buhay ay magpapalamon ka ng magpapalamon sa kuryosidad ng hindi mo manlang inaalam kung anong pinapasok mong gulo o lugar.


      Sa kwentong ito’y tuturuan ka kung ano at gaano kahalaga ang pag iisip ng tamang gawain bago isagawa ng isang hakbang, kung gaano kahalaga ang paggawa ng plano at proseso bago kumilos. Tuturuan ka nitong hasain ang iyong pag iisip.Na sa kabila ng panganib, may mga pagkakataon pa ring nag-aaral ang mga estudyante at naghahanap ng katotohanan tungkol sa kanilang kapaligiran. Kung gaano kahalaga at mapapatibay ang pagkakaibigan


  Hindi lamang iyan ito ay sumasalamin rin sa Paglaban sa sistema kung saan sina Ace, Zein at ang kanyang mga kaibigan ay  ang nagtangkang lumaban sa mapanganib na sistema ng paaralan, na nagpapakita ng kanilang pagnanais na makawala sa masalimuot na kalagayan.



    B. KULTURANG MASASALAMIN-
  Lubos na maihahambing ko rito ay ang panahon ng “War on Drugs” ng dating pangulong Duterte. Na siyang naaapektuhan ang mga taong walang alam at nananatiling mangmang sa mga pangyayari. May mga tao ring nahihirapan at naakusahan ng maraming maling bagay at kalaunan sila pa’y mamamatay. Sa panahong ito kagaya ng ng War on Drugs ay maraming mga taong hindi napaparusahan sa legal na paraan.

Ang mga aksyon dito sa Hell University ay hindi pinaparusahan, nagpapakita ng isang mundo kung saan ang karahasan ay normalisado at tinatanggap. Ang mga karakter ay nahaharap sa mga moral na dilema at madalas na nagiging biktima o tagapag patuloy ng karahasan. Na mahhambing sa “War on DRUGS” na ang mga pulis ay inakusahan ng pagpepeke ng ebidensya upang bigyang-katwiran ang mga pagpatay


Ang parehong War on Drugs at Hell University ay naglalarawan ng malupit na katotohanan tungkol sa karahasan at kapangyarihan. Habang ang War on Drugs ay isang aktwal na isyu sa lipunan na may malalim na epekto sa mamamayan, ang Hell University naman ay nagsisilbing simbolo ng mga masalimuot na sitwasyon kung saan ang karahasan ay naging bahagi na ng araw-araw na buhay. Sa huli, pareho silang nag-uudyok ng pagninilay-nilay tungkol sa moralidad at epekto ng sistematikong karahasan.



IV. LAGOM

Sa gitna ng kawalan, isang grupo ng anim na adventurous na teenager ang napadpad sa isang misteryosong paaralan na nakatago sa mundo. Dahil sa walang sawang kuryusidad at uhaw sa pakikipagsapalaran, pumasok sila sa loob, nang hindi alam ang mga lihim na nakakubli sa mga dingding nito.  Sinalubong sila ng misteryosong punong tagapangasiwa, na nagsiwalat ng isang nakakagimbal na katotohanan. Lahat ay libre. 


     Ang bawat tao'y may kalayaang gawin ang anumang gusto nila. Ngunit mayroong isang pinagbabatayan na panuntunan---sa sandaling pumasok ka, wala nang babalikan!  Dahil wala nang matatakbuhan, kinailangan ng anim na binatilyo na ipaglaban ang kanilang buhay habang inilalahad nila ang mga misteryo ng paaralan at, sa kalaunan, ang kanilang sarili.


V. MGA REAKSYON AT MUNGKAHI 

   
Tunay nga namang napakaganda ng babasahing ito, sa bawat kabanata ikaw ay hindi mabubura dahil magkadugtong ang bawat kabanata at na siyang sumasalamin sa bawat pangyayari na lubos na nakakapanindig ng balahibo. May mga pagkakataong mapapatanong ka sa iyong sarili kung nabasa mo ba nang maigi ang naunang pahina dahil ito’y tila buhok na nag katag tagpi na siyang gumawa ng buhol na napakahirap paghiwa hiwalayin dahil magkakarugtong. 


    Isa pa sa aking nagustuhan ay ang pagbuo ng istraktura ng kwento ang hindi inaasahang pagpapalit ng POV ay talaga namang saktong sakto sa pangyayari. Nais ko rin ang pabitin effect ng manunulat kung saan hinahayaan nang magpatuloy ng magpatuloy ang kwento na walang natapos na kabanata na wala kang tanong.

Napaisip ako kung ano ang maaari nitong reference at siguro ang pinaka malapit kong nakikita ay ang “The Purge” lalo na sa part ng bloody night. Maayos, maganda, mahusay at talaga namang isa sa mga librong uulit ulitin kong basahin. Kung bibigyan ko ito ng rating ay maaaring 9/10. Nakuha nito ang aking kiliti sa kung paano niya maipapakita ang ulo ko sa bawat pagpasok ng problema ngunit ang nakikita kong pagkukulang rito ay mas bigyang pansin ang mga small details ng kwento, dahil may mga pagkakataong hindi masyadong detalyado ang mga pangyayari at kung ito'y detalyado ay maaaring mas magkakaroon ng thrill.


Jan 6, 2025

Sulatin #5 Daan pa Balik sa Inyong Bisig



     Mayroong mga bagay na mayroon tayong hanganang kaalaman sa mundo no mada las na mayroon tayong ay ang mga matatanda lamang ang mas makakaintindi. Bilang isang Anak na mga masukal na daan na syang mahilig pumasok sa labas ng ilaw ng iyong ang mga magulang

Nag daan ang araw na syang kinatatakutan ng iyong mga magulang at sa dulo'y sila pa rin ang iyong mapa pabalik at kay langan mu parin ng kanilang gabay. Nag balik ka sa mga panahong paulit ulit ka nilang pinangaralan at iyon ay iyong kinalinisan at sa bawat senaryong iyong naalala sa pag luha mo ay mas naramdaman mo ang kanilang pag mamahal at pagaaruga. Hinding hindi mo makikita ang iyong sarili na nasa ganito kagandang posisyon dahil sa kanila. Lola,lolo, Mama, Mommy, Daddy at sa lahat na syang nag aaruga sayo. Narapat laman silang pasalamatan ng lubos... NOT ALL HEROS WEAR CAPE

Sulatin #4 Hiraya Manuwari

 




Sa bawat pagdaan ng panahon, sa bawat pagdaan ng kahapon lubos akong nanga ngamba na syang nag bibigay lakas sa akin. Sa pag lipas ng panahon paraming parami ang mga suliraning sumasalubong, ngunit alam kong nais kong ipagpatuloy ang aking paglalakbay dahil sa aking panaginip na nais maisakatuparan. Nais kong dalhin ang aking bawat isa sa aking pamilya sa ibang bansa, nais kong makita pa nlang lubos ang ganda ng mundo. Hindi na sila tumatanda ng paurong nais kong sulitin nila ang bawat panahon habang sila'y naririto sa mundo. Maraming mga taong nangangarap para sa ikauunlad ng kanilang sarili ngunit ang aking munting pangarap na syang kating katı akong mahawakan ay maayos na Kinabukasan sa aking mga magulang, sa aking lolo at lolo. Ito'y isang daan ng pagpapahalaga, nais tong tuparin ang bawat pangarap na kanilang inihanda para sa alan at para sa kanilang sanli. Buong buhay kong ipinagpapa- salamat ang aking buhay sa kanila. Alam kong sa susurod masasihi ko na ang "Pahinga mo na, ako nang-bahala"!








https://tinyurl.com/79rswxub

Sulatin #3 Kung hindi ukol hindi bubukol


 Ang pinaniniwatig ng katagang ito'y mayroong mga bagay na kahit anong pilit natin hindi natin madabot. May mga bagay na hindi natin maangkin kung hindi talaga para sa atin, bagama't may mga bagay na naghihintay sa ating lahat sa naka takdang olacat panahon.

Naniniwala ka ba sa "Wrong pensou at the right time" ako oo, kung ipagpapalagay may mga bagay na itinakda para sa iba talaga. Ngunit malay mo, may bagay na naghihintay at nakalaan sayo sayo sa tamang panahon. May mga aral talaga na hindi mo lubusang maiintindihan kung hindi ka lubos na masasaktan. May mga bagay na hindi tatatak sayo kung walang nangyaring makakapagpatanda sayo ng nakaraa. Ngunit sa bawat pagkakamali na iyong ikukubli ito'y mananatiling magiiwan ng arala.

Sulatin #2 -- Aral para sa Matatayog na Kinabukasan



Dec 4, 2024

Sulatin #1 Lakbay patungo sa Pangarap


To my little me.. 

                                 Hindi madaling maging Estudyante Ika nga nila, naniniwala ako rito at alam ko ring totoo ito. Ako mismo sa aking sarili ay ay sumasang ayon sa tinurang ito.Sino nga bang hindi ngunit sa bawat pag tanaw ko sa hinaharap nais kong makita ang aking sariling umasenso na at patuloy pang umaasenso na syang bumabalik sa aking bawat paghihirap ngayon palamang mag-aaral ako. Gusto kong makaharap at makausap sa sariling salamin ang ako kahapon, ako ngayon at ako bukas. Nais kong matutong bumalik sa bawat yapak at sakripisyong aking inilaan para makatungtong sa kakaratnan kong situwasyon. Kung maari ang nais kong makitang hinaharap ay ako ay isang masipag at tapat na manlilingkod sa bayan sa larangan ng Medisina, nais kong i-explore ang nursing at kapag napagpasyahan ko nang umangat pa at kunin ang pag dodoktor sa field na Pediatrician. 
                                   Sa kahit ano pa mang daymenyon mapa kahapon, hinaharap at kinabukasan pa man 'yan alam ko na ako'y magtatagumpay dahil naniniwala ako sa sarili kong kakayahan at determinasyon. At hindi lamang ang aking mga malalapit na pamilya/kamag-anak ang nakaalalay saking sapagkat pati ang aking sarili..ako dapat ay mayroong paninindigan sa aking mga gagawin.

                                 Bilang isang mag-aaral napaka importanteng seryosohin ang bawat yapak at hakbang daan patungo sa kinahaharap.Mahalagang matutong makinig sa bawat pangaral at aral na ibinabahagi 'di lamang ng guro pati na rin bawat isa. Ako bilang isang magiting, responsableng mag aaral ay nangangako sa'aking sarili na sa oras na ito, na dahil kaya ko nang timbangin ang mga nangyayari ay nararapat ko lamang pagisipang mabuti ang aking mga deisiyon lalo na sa larangan ng aking hinaharap. Kaya habang ako'y mag-aaral pa lamang ay nararapat lamang na hasain ko na ang aking sariling maging disiplinado.

Dec 3, 2024

Chamber of Secrets

        

Chamber of Secrets 

Tue, Dec 3 11:01 pm

                     I'm reading A game with Kismet as I play my favorite song, It's comforting me...I love reading books it makes me calm and turn my mind onto something more deeper which felt real even though its unreal and I know some of it will never happen to me I will never experience any of it. I've always been afraid of what other people might see and think about me to the point that I'd always choose to read something than to talk to someone just to avoid being "hated", but I want to feel being appreciated by me too.. for being myself. I love my self for being me yet other people hate for being me. I've always been joyful and loud because that's what I want everyone to view me, that's the way I wanted to be remembered ..,Reading this story reminds me that someone will always be beside me too, someone appreciates me too.. And reading this story makes me feel the comforting feeling to be loved and appreciated.. Thought me a lot of things indeed. 





            Oh to be loved and appreciated.. To love is to be seen.
                                                                                                                                      11:22 p.m